Obra: Mula sa Abstrakto Patungong Reyalismo
Halos apat na buwan na ang proseso ng binubuong obra. Mula sa mga papel na madudugo dahil sa pulang tinta ng ballpen, sa iskrip na nakailang gusot dahil sa di mabilang na rebisyon at mula sa mga planong tila walang katapusan, ang pelikulang itinuturing kong isa sa pinaghirapang obra ay patuloy na nasa malikhaing proseso. Bilang isang direktor ng isang produksyon, tila naging isang panibagong mundo ang aking o aming nalikha. Hindi naging madali ang tila walang hanggang proseso ngunit sa kabilang banda, walang hanggan din ang naibigay nitong memorya at kasiyahan. Kaya kung tutuusin, ang aking mga karakter at mga nasa likod sa pagawa ng obra- ang isa sa aking pamilya, ay halos di na sumasang-ayon sa ideya na may katapusan ang produksyong ito. Kahit ang paglikha namin ay naghahatid ng komplikadong sitwasyon sa bawat isa. Tila ayaw naming matapos ang paghihirap sapagkat manipestasyon din ito ng aming karanasan- ang memoryang naghahatid din sa amin ng kasiyahan. Ilang