Hatirang Pangmadla: Hatid Patungong Mali o Tama?



         Isa sa pinakamatunog na isyung panlipunan na kinakaharap ng mga modernong tao ngayon ay ang maling balita o fake news. Isang manipestasyon na ang hatirang pangmadla(social media), bilang isang makabagong midyum, ay siya ring nagiging panimulang tagapaghatid ng mga maling impormasyon sa perspektibo at paniniwala ng mga tao. Subalit sa kabilang banda, ang pagusbong ng makabagong media ay walang intensiyong bahiran o takipan ang pagiisip ng mga modernong tao patungkol sa mga kasalukuyang balita't impormasyon. Sa madaling sabi, hindi ito nilikha upang maging taliwas ang persepsiyon at posibleng aksyon ng mga gumagamit nito. Sa halip, ang mga positibong aspeto nito ang nais na matamasa ng mga mamamayan sa modernong mundo. 
      
       Sa kasamaang palad, ang hatirang pangmadla kasabay sa pagpasok ng makabago ngunit maluhong panahon ay patuloy na nagiging kasangkapan sa walang saysay na impormasyon. Ibig sabihin, sa kadahilanang ang pagusbong ng teknolohikal na midyum ay masidhing nakakonekta sa konsepto ng positibong intensiyon, ang "tao", kasabay rin ng ating pagtapak sa madernong mundo ay siya ring pag apak natin sa katuwiran at pagbuhay sa maling ideolohiya ng pangaabuso. Sapagkat sa ating panahon, kung saan ang aspetong teknolohikal ay talamak sa di makatwirang gawain tulad ng maling balita, mga masasamang salita galing sa mga posts,malalaswang nilalaman at iba pa ay patuloy na sumasalamin hindi lamang sa indibidwal ngunit sa kabuuang imahen ng mga makabagong tao. 

      Sa kabuuan, ang hatirang pangmadla para sa aking direktang opinyon ay nahahati na sa dalawang aspeto. Ang isa ay para sa positibo at ang isa ay para sa ideya ng negatibo. Ngunit sino ba ang naghati? Walang iba kundi ang tao- tayo. At tayo ang siyang may kapabilidad na buoin muli ang kasangkapan upang ang hatirang pangmadla ay maging hatiran lamang patungong tama. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Obra: Mula sa Abstrakto Patungong Reyalismo