Obra: Mula sa Abstrakto Patungong Reyalismo


      Halos apat na buwan na ang proseso ng binubuong obra. Mula sa mga papel na madudugo dahil sa pulang tinta ng ballpen, sa iskrip na nakailang gusot dahil sa di mabilang na rebisyon at mula sa mga planong tila walang katapusan, ang pelikulang itinuturing kong isa sa pinaghirapang obra ay patuloy na nasa malikhaing proseso. 
    
     Bilang isang direktor ng isang produksyon, tila naging isang panibagong mundo ang aking o aming nalikha. Hindi naging madali ang tila walang hanggang proseso ngunit sa kabilang banda, walang hanggan din ang naibigay nitong memorya at kasiyahan. Kaya kung tutuusin, ang aking mga karakter at mga nasa likod sa pagawa ng obra- ang isa sa aking pamilya, ay halos di na sumasang-ayon sa ideya na may katapusan ang produksyong ito. Kahit ang paglikha namin ay naghahatid ng komplikadong sitwasyon sa bawat isa. Tila ayaw naming matapos ang paghihirap sapagkat manipestasyon din ito ng aming karanasan- ang memoryang naghahatid din sa amin ng kasiyahan. Ilang beses na ring sinubok ng di pagkakaintindihan ang bawat isa dahil sa masidhing presyon. At patuloy na pinapatumba ang aming motibasyon dahil sa mabilis na pagtakbo ng oras. Tila inuupos nito ang prosesong nagbibigay ng magkabaliktad na pakiramdam na para sa amin ay tanging tumutukoy lamang sa kasiyahan. 

     Nais kong isa-isahin ang mga memorya't aral. Subalit ang mga salitang ito ay di kayang saklawin ang lahat lahat. Dahil bilang nagpasimula ng obrang ito, ang karanasan at aral ay di nasusukat, hindi nabibilang. Tulad ng dibuhong representasyon ng aming produksyon, iginuhit din namin ang imahen ng pagkakaisa, ng mga aral, at ng pagiging totoo kahit ang obrang nasa proseso ng tila walang dulo ay nasa lebel pa lamang ng pagiging abstrakto. 

    

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hatirang Pangmadla: Hatid Patungong Mali o Tama?